Siguro naman alam niyo na ang mga katagang ito: "Kayo ang gumagawa ng grades niyo..." Isa itong malaking tae ng toro. Namulat ang aking mata dahil sa isang pangyayari kung saan humarap ako sa isang pagsusulit na naglalamang enumeration na 60 items. Dammit, sixty items!?
Sa totoo lang, hindi naman ako magrereklamo kung may natutunan ako. Hindi ba dapat ang mga propesor ang nagtuturo sa mga estudyante, hindi mga kapwa natin estudyante? Ok, alam kong minsan eh dapat magsarili tayo pagdating sa pag-aaral, pero hindi makatarungan na hindi ka na magtuturo at hahayaan mo na lang ang mga estudyante ang mangapa. At hindi mo masasabing nagtuturo ka kung pati ang nagtuturo ay hindi alam ang kanyang sinasabi! Biruin mo, nagtanong lang kung bakit ganito ang ganyan, ang sagot eh hindi niya alam dahil mga scientist lang ang may alam nun?
Kaya nahinuha ko na minsan, hindi tayo ang gumagawa ng ating grado, minsan, binabalik lang natin ang binigay sa atin ng ating mga propesor...
Hahaha...
ReplyDelete