January 2, 2012, 03:03 AM. 'Yan ang kasalukuyang petsa at oras nang simulan ko ang entry na ito. Kasalukuyan ding gumagawa kami ng assignment para sa aming subject mamayang 08:30 ng umaga. Meron nga rin palang test sa parehas na subject.
New Year's Day... ang araw na ito ay nagdaan lang kahapon, parang hindi man lamang naramdaman ng bumulaga sa amin ang sandamakmak na gawaing paaralan na dapat ay nuon pa namin ginawa. Ngunit panu nga namin ito magagawa nuon kung nuon ay nakatuon kami sa rason ng munting bakasyon na ito? Hindi ba't kaya tinawag na break ito ay para matigil muna sa nakakapagod at nakakastress na school work at magenjoy muna kahit sandali? Problem sets, research paper, oncoming quizzes... ano pa ang saysay ng break kung kinakailangan mo ding gawin ang mga ito imbes na magpahinga at magenjoy?
Sana tinanggal na lang nila yung break at ang walang pasok lang ay sa araw ng Pasko, araw ni Rizal, at January 1, para at least mas mapaaga ang tapos ng klase at mas mahaba ang summer break.
Ay, may OJT na nga pala kami sa summer...
Showing posts with label School. Show all posts
Showing posts with label School. Show all posts
Monday, January 02, 2012
Monday, August 08, 2011
Reverse Psychology
Tsk, katatapos lang ng madugong midterms. Pero may nalaman akong malupit na katotohanan na alam kong madalas na nangyayari sa mga paaralan ngayon.
Siguro naman alam niyo na ang mga katagang ito: "Kayo ang gumagawa ng grades niyo..." Isa itong malaking tae ng toro. Namulat ang aking mata dahil sa isang pangyayari kung saan humarap ako sa isang pagsusulit na naglalamang enumeration na 60 items. Dammit, sixty items!?
Sa totoo lang, hindi naman ako magrereklamo kung may natutunan ako. Hindi ba dapat ang mga propesor ang nagtuturo sa mga estudyante, hindi mga kapwa natin estudyante? Ok, alam kong minsan eh dapat magsarili tayo pagdating sa pag-aaral, pero hindi makatarungan na hindi ka na magtuturo at hahayaan mo na lang ang mga estudyante ang mangapa. At hindi mo masasabing nagtuturo ka kung pati ang nagtuturo ay hindi alam ang kanyang sinasabi! Biruin mo, nagtanong lang kung bakit ganito ang ganyan, ang sagot eh hindi niya alam dahil mga scientist lang ang may alam nun?
Kaya nahinuha ko na minsan, hindi tayo ang gumagawa ng ating grado, minsan, binabalik lang natin ang binigay sa atin ng ating mga propesor...
Subscribe to:
Posts (Atom)