Habang ako'y nakasakay sa jeep,
Napatingin ako sa labas at napa-isip.
Titigil pa kaya ang pag-agos ng mga lihim na luha,
Sa mukha ng isang taong grasa?
Sa malupit na mundo at buhay,
May pagkakataon pa ba siyang makita ito ng may kulay?
Kung wala man lang lilingon sa kanyang kinatatayuan,
Hindi kaya niya maisip na ang buhay niya ay walang kabuluhan?
Maari'y meron pa siyang nakikitang liwanag,
Kaya siya pilit na nagpapakatatag.
At doon ko na lamang nakita,
Ang pag-asa sa mukha ng taong grasa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment