Thursday, May 07, 2009

Kiddie Land

Malalakas na tawanan ng mga bata ang naririnig ko habang kumakain ako sa loob ng isang fastfood chain (guess what). Malalakas na bangayan ng mga tao ang naririnig ko habang kumakain sa labas ng isang fastfood chain. At biglang may ideyang pumasok sa isip ko: ano kaya kung puro bata na lang ang tao sa mundo?

Siguro walang giyera. Siguro walang gulo. Siguro walang corrupt na opisyal. Ang tanging batas ay ang huwag manakit o manlinlang ng kapwa, tulad ng tinuturo ng ating mga lolo at lola.

Siguro walang holdaper, walang kidnapper, walang snatcher, walang magnanakaw, walang terorista. Ang mundo ay isang malaking palaruan, puro swing, puro see-saw, puro sabitang bakal.

Siguro walang stress, walang problema, walang sakit ng ulo, walang sakit, walang kagutuman, walang mauuhaw. Ang mundo ay isang malaking ice cream parlor.

Matapos ang isang segundo, nagkaroon ulit ako ng ulirat, sa gitna ng mga nagbabangayang tao sa labas ng isang fastfood chain, kung saan sa loob ay may mga nagtatawanang batang alam pa kung ano ang ibig sabihin ng paraiso.

2 comments: