Thursday, May 07, 2009
Kiddie Land
Siguro walang giyera. Siguro walang gulo. Siguro walang corrupt na opisyal. Ang tanging batas ay ang huwag manakit o manlinlang ng kapwa, tulad ng tinuturo ng ating mga lolo at lola.
Siguro walang holdaper, walang kidnapper, walang snatcher, walang magnanakaw, walang terorista. Ang mundo ay isang malaking palaruan, puro swing, puro see-saw, puro sabitang bakal.
Siguro walang stress, walang problema, walang sakit ng ulo, walang sakit, walang kagutuman, walang mauuhaw. Ang mundo ay isang malaking ice cream parlor.
Matapos ang isang segundo, nagkaroon ulit ako ng ulirat, sa gitna ng mga nagbabangayang tao sa labas ng isang fastfood chain, kung saan sa loob ay may mga nagtatawanang batang alam pa kung ano ang ibig sabihin ng paraiso.
Saturday, May 02, 2009
Cover Up
Ayon kay Webster, ang euphemism ay mga salita na ginagamit kapalit ng iba pang salita.
Before: SQUATTERS
After: INFORMAL SETTLERS
Before: PROSTITUTES
After: GUEST RELATIONS OFFICERS
Before: PORK BARREL
After: COUNTRYWIDE DEVELOPMENT FUND
Kuha niyo na?
Bakit kailangan pa nating palitan ang tawag sa mga salita kung ganun din naman ang ibig nilang sabihin? Naiintindihan ko na may mga salita, tulad ng "squatters", na masakit talaga sa tenga kapag naririnig, pero hindi porke't pinalitan mo ang tawag sa salita ay ibig sabihin na magiiba na ang tingin ng mga tao dito.
Ang paggamit ng mga euphemism ay isang paraan ng pagtatago sa malulupit na katotohanan ng buhay. Alam kong ayaw lang ng ibang tao na mapababa ang tingin natin sa iba, pero may ilan din namang nais lamang pagtakpan ang masamang imahe ng kanilang mga kalokohan, tulad ng mga pork barrel ng ating magagaling na opisyal. Bakit tinawag pang countrywide development fund ito kung sa bulsa rin naman nila mapupunta ang pera ng tao? Kung papalitan din lang naman nila, dapat ang itawag ay COLLANGOT (Cost Of Luxury Living Allowance Ng Government Officials 'To).
O 'di ba mas bagay?
Friday, May 01, 2009
Area 51 sa Pilipinas
Sa katunayan, nakatakas ang mga alien na itinatago dito at sila ngayon ay nakihahalubilo na sa ating mga Pilipino. Hindi natin ito alam, pero ang mga alien na ito ay ang mga pinakasikat na tao sa ating bansa.
Ginagamit din nila ang ating lenggwahe, pero sa tingin ko ay hindi nila alam ang tamang paggamit nito dahil akala nila ay kapanipaniwala ang kanilang sinasabi. Dito makikita na hindi lahat ng alien ay matalino.
Pero hindi rin siguro sila talagang ignorante, pagkat sila ang nagpapatakbo ngayon ng ating gobyerno. Nakikita natin sila sa ating TV, napapakinggan sa radyo, pati pakikipagkamay sa kanila ay nagawa na natin. Sa tingin ko sa taong ito, nalalapit na ang pakikipagkamayan ulit nila sa atin. Sosyal din ang mga alien na ito dahil kada apat na taon lang nila ginagawa ito, ayaw din nila kasi na madumihan sila ng mga simpleng tao na kung tutuusin ay mas malinis pa kesa sa kanila.
At hindi ba natin naamoy ang kanilang pagsakop? Dumarami na sila, dahil na rin sa pagimpluwensya nila sa iba nating kababayan, gamit ang armas na tinatawag nilang "Pocket Enlargement Pills", na nagiging daan para sila ay maging alien na rin. Masakit isipin na kaya natin silang palayasin sa ating bansa, ngunit sa lakas ng "Pocket Enlargement Pills," nahihirapan tayong gawin ito.
Sabi ng isang pilosopo (nakalimutan ko ang pangalan), kayang patalsikin ng mahina ang malakas sa pamamagitan pakikipagsabwatan sa kapwa mahina. Nagawa na natin ito, at ito ang EDSA Revolution, kung saan napatalsik natin ang pinakamalaki at pinakamalakas na alien na tumapak sa ating bansa. Naulit pa ito, kaya sa tingin ko hindi na uubra ang pangatlong rebolusyon, dahil handa na ang mga alien na ito ngayon.
Hindi ba natin talaga kaya ang mga ito? O nasa isip lang natin na hindi natin kaya? Sa tingin ko ay nasa isip lang natin, kaya siguro kayang-kaya tayo nung mga pills nila. Kaya natin, alam ko, dahil nagawa natin sa ating mga rebolusyon. Pero dahil nga handa na sila sa mga rebolusyong ito, ang tanging paraan na lang na magagawa natin ay lakasan ang ating mga isip upang mapagtanto natin na tayo ay mga Pilipino, sa atin ang Pilipinas, at hindi ito dapat mapunta sa kamay ng mga alien na ito.
'Nga pala, ginawa na nilang headquarters ang MalacaƱang...
Thursday, April 30, 2009
Viruses In Our Midst…
Turning 18 this year, I know I’m going to have the power to change the course of Philippine history; that is, the power to vote. But the question is: Do I have the power to change history in a good way? This question still hung today, unnoticed by many of us. Thus, it results in catastrophic effects.
Corrupt officials are always elected because people have the twisted idea that corruption will never be erased, seeing that it has transpired since time immemorial. But are we just going to sit back and do nothing while these viruses continue to eat the country’s operating system? Are we just going to format the system again and again, only to be placed by another corrupt system? Or are we going to find an anti-virus to put a stop on the continuing damage they have caused us?
Granted that viruses are ever present, getting stronger and stronger as time passes. But we also know that anti-viruses also updates time to time, we just need to have the motivation to push the update button.